Hindi ko inaasahang magiging malapit ako sa kanya kahit sa text man lamang.
Dati hanggang tingin lang ako't nakatago sa isang sulok at kinikilig.
Ewan ko ba kung bakit nung nagkaroon ako ng numero niya'y nagdadalawang isip akong magtext sa kanya.
Siguro nga'y ako'y nahihiya sapagkat parang alam niyang may gusto ako sa kanya.
'HAY!'
Talaga ngang mga kaibigan ay pahamak pagdating sa buhay pag-ibig natin.
Isa ngang kaibigan ko ang nagpanggap na ako't tinext sya.
Dahil sa takot na baka kung anu-anog ipagsabi pa ng kaibigan ko sa kanya, napilitan akong itext siya.
Tapos yun!
Friends na kami.
HAHA!!!
Minsan, kinikilig ako pero pinipigilan ko sapagkat ako'y natatakot na maloko.
Malala na ang sitwasyon ngayon, di ko na kayang mahulog pa.
Kaya't para umiwas sa aking nararamdaman,
hindi ko na siya itinitext.
Ngunit, sa tuwing naaalala ko ang araw na yun, ako'y nag-iisa, muntikan ko pa siyang itext nang biglang lumitaw siya sa harapan ko't ngumiti habang tinititigan ko siya...
WAAAAAAAAAAhhhhh!!!!!
Kinikilig pa rin ako hanggang ngayon.
Hindi ko kasi inakalang kilala niya na pala ako.
OMG!
Parang gusto kong ulit-ulitin ang mga pangyayari pero nahihiya talaga ako sapagkat kung anu-ano lang kasi ang kanyang tinitext sa akin.
Buti na lang hindi ko sinasakyan dahil baka nga mahulog ako sa kanya....
No comments:
Post a Comment