"hindi nu!" yun ang sabi niya...
Nagsimula ang lahat nang siya'y umupo sa tabi ko.
Tapos, tinext niya ako at tinext ko rin siya.
Pagkatapos, lagi na niya akong tinutukso, inaasar sa isa pa naming kaklase.
'hay naku!' hindi niya lang alam, ako'y madaling madevelop sa mga tinutukso sa akin.
Buti na lang at naliwanagan siya't hindi na niya ako tinutukso pang muli.
Nagdaan pang mga araw, hindi ko na maipaliwanag ang mga nangyayari.
Hindi ko alam kung nanliligaw ba siya o nagpapapansin lamang.
Dikit siya ng dikit, text ng text at lagi niya na lang akong inaaway tapos biglang nanlalambing.
At isang beses habang nakaupo kaming anim sa lapag, bigla na lang siyang umawit ng 'harana'...
Ako'y nailang at biglang nagpaalam na uuwi na.
Siya'y sumunod at 'yun!'
Kinagabihan, tinanong ko nga siya...
Buti na lang 'hindi' ang sagot niya.
Guminhawa ang pakiramdam ko...
hanggang ngayon, hindi ko pa siya tine-text sapagkat ayaw kong may mabuo na namang di kanais-nais sa pagitan naming dalawa.
Hindi ko alam ngunit parang may nararamdaman yata ako sa kanya.
Sana MALI..
Sana WALA..
Kaya ako na ang nangunang umiwas sa kanya.
--_
No comments:
Post a Comment